Daily water service interruption sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuspinde na ng Maynilad Water Services ang scheduled daily water service interruptions sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Valenzuela at Quezon City.

Sinabi ng Maynilad, na nakatulong ang mga pag-ulan dala ng bagyong Dodong para mapataas ang water elevation sa Ipo Dam.

Ito ang dahilan kaya patuloy na natatanggap mula sa portal ang 2,400 MLD (million liters per day) na kailangan ng Maynilad para mapanatili ang normal na serbisyo, sa kabila ng mas mababang water allocation mula sa Angat Dam.

Pero paglilinaw ng water concessionaire, ibabalik lamang ang daily service interruptions kapag tumigil na ang water inflows sa Ipo Dam dala ng mga pag-ulan, at muling maramdaman ang kabuuang epekto ng 48 CMS allocation.

Bagamat suspendido sa ngayon ang service interruptions, hinihikayat pa rin ang lahat na makiisa sa masinop na paggamit ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us