NOLCOM at OPAPRU, naglunsad ng medical mission sa Central Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) at Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang medical Mission sa Zaragoza, Nueva Ecija, kasama ang 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army; Nueva Ecija Police Provincial Office; 1st Provincial Mobile Force Company; Magdiwang Elite Eagles Club; at Zaragoza Night Patriots Eagles Club 2021.

Umabot sa 300 residente ng Zaragoza, Nueva Ecija ang nabigyan ng libreng medical at dental service, circumcision, haircut, gamot, at bitamina.

Ayon kay Abraham Claro Casis, Consultant for Peace sa North at Central Luzon ng OPAPRU, ang joint medical mission ay isang patunay ng aktibong whole-of-nation approach tungo sa kapayapaan at kaunlaran, gayundin ang paglilingkod sa mga mamamayan sa malalayong lugar sa rehiyon.

Pinasalamatan naman ng mga benepisyaryo ang handog na medical mission ng NOLCOM at kanilang mga katuwang na grupo.

Tiniyak ng NOLCOM na patuloy silang makikipagtulungan sa mga stakeholder upang magsagawa ng mga katulad na aktibidad sa mga nangangailangan. | ulat ni Leo Sarne

📷: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us