Mahigit P800K na kita, naitala sa binuksang Kadiwa ng Pangulo sa Western Visayas, July 17

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ng mahigit P806,000 na kita ang Department of Agriculture Western Visayas sa binuksan na Kadiwa ng Pangulo sa rehiyon kahapon, July 17.

Sa datos ng DA Western Visayas, higit P160,000 ang naitalang kita sa Aklan, halos P225,000 sa Antique, halos P174,000 sa Capiz, halos P30,000 sa Guimaras, halos P90,000 sa Iloilo at higit P128,000 naman sa Negros Occidental.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong mabigyan ng access ang mga Pilipino sa mura at dekalidad na produkto.

Kabilang sa mga nag-alok ng kanilang mga produkto ang iba’t ibang maliliit na negosyante at farmers group na tinutulungan ng DA, DTI, DSWD at mga lokal na pamahalaan. | ulat ni JP Hervas| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us