Mga opisyal ng barangay, makakatulong sa pagpapababa ng kaso ng homicide, ayon sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) kung paano makatutulong ang mga barangay official sa pagpapaba ng mga kaso ng homicide sa bansa.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo kaugnay ng pagtaas ng mga kaso ng homicide sa bansa.

Ang robbery at homicide ang tanging dalawa sa walong focus crimes na tumaas, sa kabila ng pangkalahatang pagbaba ng insidente ng krimen sa buong buong bansa ng 10 na porsyento sa unang anim na buwan ng taon, kumpara sa nakalipas na taon.

Paliwanag ni Fajardo, karamihan sa mga kaso ng homicide ay nagmumula sa personal na alitan na tumutuloy sa pagkakasakitan.

Kalimitan aniyang nagsisimula ito sa mga nag-iinuman, kaya makatutulong aniya ang mga barangay official kung magiging aktibo sila sa pagpapauwi ng mga nag-iinuman sa lansangan sa takdang oras.

Ayon kay Fajardo, pinag-aaralan ng PNP ang mga datos ng krimen na nakakalap ng Directorate for Investigation and Detection Management, upang makapagpatupad ng mga kaukulang hakbang laban sa krimen bilang bahagi ng Enhanced Management of Police Operations (EMPO). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us