1,793 tauhan ng PNP, nag-apply para sa early retirement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsumite ng aplikasyon para sa early retirement ngayong taon ang 1,793 tauhan ng PNP.

Ito’y sa gitna ng kasalukuyang isyu tungkol sa pensyon para sa military at uniformed personnel (MUP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, marami sa kanilang nga tauhan ang nababahala na baka mabawasan ang kanilang pensyon.

Sinabi ni Fajardo, inaasahan pa nilang aakyat ang bilang ng mga mag-aapply ng early retirement ngayong taon dahil nangangalahati pa lang ang taon.

Nabatid na noong 2022, 2,449 na mga pulis ang nag-apply ng early retirement.

Samantala, sinabi ni Fajardo na ongoing ang kanilang consultations sa mga pulis para malaman ang kanilang pulso sa reporma sa MUP pension scheme. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us