Umabot sa 150 motorista ang natiketan matapos lumabag at dumaan sa exclusive lane ng EDSA Busway, ngayong araw.
Ito ay matapos magsagawa ng multi-agency joint operation ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Inter-agency Council for Traffic (I-ACT) sa EDSA Busway.
Kasunod ito ng mga reklamo na natanggap ng DOTr Commuter Hotline, na maraming mga motorista at mga nagbibisikleta ang lumabag sa batas trapiko sa EDSA Busway.
Matatandaang paulit-ulit ang paalala ng DOTr sa mga motorista na igalang at sumunod sa batas trapiko, partikular na ang exclusive lane ng EDSA Busway.
Kabilang naman sa mga pinapayagang dumaan sa EDSA Busway ay mga bus, mga emergency vehicle, at mga government vehicle na may red plate. | ulat ni Diane Lear