PNP Chief, nagpahayag ng kasiyahan sa mahusay na kakayahan ng mga pulis sa Civil Disturbance Management

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga nagwaging police team sa Civil Disturbance Management (CDM) Exercise na isinagawa sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig kahapon.

Sa naturang kompetisyon, nag-kampeon ang Southern Police District (SPD); habang First runner-up ang Quezon City Police District (QCPD) ; at Second runner-up ang Special Action Force (SAF).

Lumahok sa kompetisyon ang limang Police District ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), at SAF.

Dito’y ipinamalas ng mga CDM team ang kanilang kakayahan na masiguro ang maayos at mapayapang pagdaraos ng SONA ng Pangulo sa pamamagitan ng epektibong pag-kontrol ng mga kilos protesta ng may paggalang sa karapatang pantao.

Sa kanyang pagbati sa mga lumahok sa ehersisyo, ipinaalala ni Gen. Acorda na tungkulin ng mga pulis na mapanatili ang maayos na situasyon para sa lahat ng nagnanais na magpahayag ng kanilang saloobin. | ulat ni Leo Sarne

📷: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us