PNP Chief, binati ang mga pulis at mga katuwang na ahensya sa mahusay na execution ng seguridad sa SONA ng Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng pulis na idineploy para sa ikalawang State of the Nation address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mahusay na execution ng kanilang trabaho.

Ayon sa PNP Chief, ang tagumpay ng ipinatupad na seguridad sa naturang okasyon ay nagsisilbing paalala sa mahalagang papel ng mga pulis sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sinabi ni Gen. Acorda na ang maagang paghahanda at maayos na koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensyang responsable sa seguridad ay nagresulta sa pangkalahatang mapayapang pagdaraos ng SONA.

Pinasalamatan naman ni Gen. Acorda ang mga tauhan ng iba’t ibang ahensyang naging katuwang ng PNP, kabilang ang Joint Task Force NCR ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, OCD/Red Cross, Department of Health, Philippine Coast Guard, Presidential Security Group, Metro Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, iba’t ibang Local Governments, Force Multipliers, at ang pribadong sektor.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us