PNP Chief, naniniwalang may mas makabuluhang personalidad pa bukod sa 18 opisyal na tinanggap ang courtesy resignation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. na may mas “meaningful” o mas makabuluhan pang mga personalidad na may kinalaman sa ilegal na droga sa hanay ng PNP bukod sa 18 opisyal na tinanggap ang courtesy resignation.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Gen. Acorda na ito’y batay sa kanyang mahabang karanasan sa Counter Intelligence.

Paliwanag ni Acorda, mayroong mga opisyal na nasa drug watchlist ng PNP na maituturing na mas mahalaga at mayroon ding hindi kasama sa watchlist.

Tiniyak naman ni Acorda na hindi nagtatapos sa pagtanggap ng resignation ng naturang 18 opisyal ang paglilinis ng PNP sa kanilang hanay.

Patuloy aniya ang pag-monitor ng PNP sa mga miyembro ng kanilang hanay na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us