Dalawang transmission lines ng NGCP, hindi pa napapagana matapos maapektuhan ng Bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa gumagana ang dalawang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Egay.

Batay sa pinching report ng NGCP, kabilang dito ang San Esteban-Bangued 69 kilo-volt line at ang Itogon-Ampucao 23 kilo-volt line.

Habang naibalik naman na sa normal na operasyon ang Bantay-Sto. Domingo 69 kilo-volt line.

Sa ngayon, patuloy ang restoration activities ng NGCP para maibalik sa normal na operasyon ang mga hindi pa gumaganang transmission lines.

Paliwanag pa ng NGCP, kahit napagana na ang kanilang transmission lines ay maaari pa ring makaranas ng kawalan ng kuryente ang ilang residential areas dahil sa pagsasaayos ng distribution utilities sa kanilang pasilidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us