Pangulong Marcos Jr., binawi na ang deklarasyon ng state of national emergency on account of lawlessness violence sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalis na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang state of national emergency on account of lawlessness violence in Mindanao.

Ito ay ang Proclamation No. 55 na ngayon ay tinanggal na, dahil sa malaking pagbabago sa peace and order situation sa rehiyon.

Ang pagtatanggal sa state of national emergency on account of lawlessness violence sa Mindanao ay ginawa sa bisa ng Proclamation No. 298, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong nakaraang July 25.

Inisyu ang Proclamation No. 55 noong September 4, 2016 sa harap ng mga karahasang inihasik ng private armies at local warlords, criminal syndicates, terrorist groups at religious extremists.

Inaasahan naman na ang pagpapawalang bisa sa Proclamation No. 55 ay magsisilbing daan para lalong lumakas ang economic activity, at magpapabilis sa pagbangon ng local economy sa rehiyon. | ulat I Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us