Pumalo na sa P53.1 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na dulot ng pananalasa ng bagyong Egay, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Batay sa datos ng DA Regional Field Offices sa Cordillera Administrative Region (CAR), Calabarzon, Mimaropa, at Region 8 nasa 2,303 na mga magsasaka ang naapektuhan; kung saan 1,871 metriko tonelada ng produksyon ang nasayang matapos tamaan ng bagyo ang mahigit 3,000 ektarya ng lupang sakahan.
Kabilang sa mga apektadong pananim ay palay, mais, pati na ang livestock at poulty.
Kaugnay nito ay magbibigay naman ng tulong ang DA para sa mga apektadong magsasaka, gaya ng iba’t ibang buto ng palay at gulay, mga gamot para sa mga alagang hayop, at tulong pinansyal na aabot sa P25,000.
Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang DA sa regional field offices nito para ma-monitor ang epekto ng bagyong Egay sa agri-fisheries sector. | ulat ni Diane Lear