Tumulong na rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa disaster relief operations ng pamahalaan partikular na sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Egay.
Ito ay sa pamamagitan ng repacking at unloading ng mga relief supply na ihahatid sa mga apektado ng bagyo sa Lalawigan ng La Union at iba pang bahagi ng Northern Luzon.
Kasabay nito, hindi rin tumitigil ang mga tauhan ng Coast Guard sa pagbaba ng mga relief supply mula sa mga trak para ihatid sa mga designated repacking center.
Katuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang PCG sa ginagawa nilang relief mission buhat sa kanilang regional warehouse sa Lungsod ng San Fernando.
Kahapon, tumutok ang PCG sa pagtulong sa clearing operations sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways gayundin sa mga lokal na pamahalaan sa Hilagang Luzon. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: PCG