Seguridad para sa Palarong Pambansa, siniguro ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalatag na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) para sa Palarong Pambansa na magbubukas ngayong araw sa Marikina City.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director Police Brig. Gen. Wilson Asueta, naka-full alert status ang kanilang buong pwersa simula ngayong araw.

Tatagal ito hanggang sa pagtatapos ng Palaro sa August 5.

Sinabi ng heneral na 1,300 pulis ang kanilang ide-deploy para sa seguridad ng Palaro.

Bukod pa aniya ito sa mga pulis na naka-assign sa anti-criminality operations at Police visibility.

Sinabi naman ni Asueta na wala silang na-monitor na banta sa Palaro.

Ang Palaro ay lalahukan ng mga mag-aaral mula sa 17 rehiyon ng bansa.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us