Heavy rainfall warning, nakataas sa Zambales at Bataan; Metro Manila, inaasahang uulanin din

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat na pinaiigting ng bagyong Falcon.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, kaninang alas-5 ng umaga, umiiral ang orange warning sa Zambales, at Bataan.

Sa ilalim nito, nagbabadya ang patuloy ang pagbaha sa mabababang lugar at may banta ng pagguho ng lupa.

Mahina hanggang katamtamang ulan na minsan ay may kalakasan din ang umiiral sa MetroManila, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, at Batangas sa susunod na tatlong oras.

Uulanin din ang Tarlac, at ang lalawigan ng Pampanga.

Dahil dito, patuloy na inaabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Offices na mahigpit na imonitor ang lagay ng panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us