DSWD, nanawagan ng volunteers para mag-repack ng food packs na ihahatid sa mga biktima ng bagyong Egay at Falcon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangangailangan ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang volunteers para tumulong sa repacking ng mga family food packs na ihahatid sa mga biktima ng magkasunod na bagyong Egay at Falcon.

Sa inilabas na abiso ng DSWD, partikular na nananawagan ito ng volunteers sa kanilang
repacking center sa DSWD-National Resource Operations Center, na matatagpuan sa Chapel Road, Brgy. 195, Pasay City.

Para sa mga interesadong indibidwal o grupong nais maglaan ng kanilang oras, tumatanggap ang DSWD ng volunteers mula lunes hanggang sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi para sa am shift habang alas-8 ng gabi hanggang alas-8 naman ng umaga para sa pm shift.

Kailangan lamang na makipag-ugnayan ang mga nais magvolunteer kay Danicah
Klaire Delas Alas sa numerong 0915 292 175.

Sa araw ng pagpunta sa repacking center, kinakailangan ding dalhin ang COVID vaccination cards, kung saan nakasaad na sila ay fully vaccinated na at mayroon na ring booster at sariling water bottle container.

Nitong mga nakalipas na araw, ibat ibang grupo na ang nagvolunteer sa DSWD-National Resource Operations Center kasama ang ilang uniformed personnel. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us