Patuloy na pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga naapektuhang residente ng nagdaang bagyo na nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan.
Ang mga ito ayon sa Pangulo ay lalo na sa hanay ng mga may pangangailangang medikal gaya ng matatanda na kailangang mahatiran ng kanilang maintenance.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na batid naman nila kung saan pupuntahan ang mga dating evacuees na kung hindi man nakakauwi pa sa kanilang mga tahanan ay may inuuwian muna pansamantala.
Karaniwang may mga nakaposteng medical team aniya sa mga evacuation center para umalalay lalo na sa mga seniors at mga nagtamo ng pinsala o injury sa ganitong mga kalamidad.
Paniniguro ng Chief Executive na magpapatuloy ang pagtutok sa mga residenteng apektado pa rin ng bagyo para matiyak na maibibigay ang atensyong medikal at mapagkalooban ng kanilang gamot na kinakailangan. | ulat ni Alvin Baltazar