Tiniiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maigayak ang mga paaralan na nagtamo ng pagkasira nitong nagdaang bagyong Egay.
Ito’y upang magamit sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.
Sinabi ng Pangulo na pagsisikapan ng pamahalaang maihanda ang mga paaralan para sa nalalabing Isang buwan bago ang opening of classes.
Ayon kay Pangulong Marcos, isinasagawa na ang imbentaryo sa mga pampublikong eskwelahang nagkaroon ng pinsala nitong nagdaang bagyo.
Mula dito aniya ay maglalabas sila ng listahan ng school buildings na pansamantalang hindi muna magagamit ng mga mag-aaral. | ulat ni Alvin Baltazar