Nais ng Department of Education (DepEd) na maisama pa rin ang larong Pinoy sa taunang Palarong Pambansa upang mapreserba at mai-promote pa rin sa ating mga mag-aaral at kabataan sa bansa.
Ayon kay Education Assistant Secretary for Operations Francis Cesar Bringas, ito’y upang maipakilala sa mga susunod na henerasyon ang mga larong Pinoy na minana pa natin sa ating mga ninuno.
Dagdag pa ni Bringas na nauna nang in-introduce ang larong Pinoy noong 2019 sa Davao City.
Kabilang sa mga larong Pinoy na kasama sa Palarong Pambansa ay ang Kadang-kadang, Patintero, Hilahang-lubid, Karera ng Sako, at Tumbang Preso.
Samantala, kahit medyo masama ang panahon ngayong Lunes ay mag-uumpisa ang naturang sports event ng DepEd mamayang ala-1:30 ng hapon kung saan inaasahang dadalo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang liderato ng host city ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro. | ulat ni AJ Ignacio