97 pamilya, nananatili pa rin sa evacuation center sa Malanday, Valenzuela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 97 pamilya o katumbas ng 366 indibidwal ang nananatili ngayon sa Andres Fernando Elementary School na nagsisilbing evacuation site dito sa Malanday, Valenzuela.

Inilikas ang mga residente noon pang July 28 bilang bahagi ng preemptive measure ng pamahalaang lungsod kasunod ng pagbubukas ng floodgates dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat at bagyong Falcon.

Nakatutok naman ang Valenzuela City Social Welfare and Development sa lagay ng mga pamilyang inilikas na ngayon ay nananatili sa mga modular tent.

Nakapag-abot na rin ang LGU ng comfort kits habang ang brgy naman ang nakatoka sa pagpapakain sa mga apektadong residente.

Bukod sa A. Fernando Elem School, may 57 na pamilya ring inilikas sa Pasolo Elementary School, isang pamilya sa Tagalag Elementary School, 12 pamilya ang nananatili sa Poblacion. Brgy. Hall, 5 pamilya sa Pulo 3S Center, 22 pamilya sa Bartolome Covered Court, at 46 na pamilya naman sa Coloong Elemementary School.

Una na ring nag-ikot si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa mga evacuation sites para tiyaking nasa maayos na lagay ang mga inilikas na residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us