Regulasyon ng AI technology sa bansa, pinamamadali ng isang kongresista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela ang isang mambabatas sa ehekutibo at lehislatura na kagyat nang bumuo at maglatag ng panuntuan para sa regulasyon ng Artificial Intelligence (AI) sa bansa.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers dapat sabayan na rin ng Pilipinas ang ibang mga bansa na nagtatatag na ng kani-kanilang AI regulatory body.

Halimbawa na lamang aniya nito ang US, European Union, Great Britain at Singapore dito sa ASEAN region.

Punto pa ng kinatawan, tulad ng paghahanda sa mga sakuna at kalamidad, dapat ding paghandaan ang daluyong na pwedeng dalhin sa ating bansa ng AI technology.

Kasama dito ang maganda at hindi magandang maidudulot nito sa ating lipunan, trabaho at ekonomiya.

“While the rapid phase of technological advancement in AI provides huge potential in the development of the people and the economy, it also poses risks and challenges that must be addressed to ensure that its benefits are maximized, and its negative impacts are minimized, if not avoided,” diin ni Barbers.

Nauna nang inihain ni Barbers ang panukala para itatag ang Artificial Intelligence Development Authority (AIDA) na siyang magbabantay sa paggamit ng AI sa bansa alinsunod sa bubuuing guidelines sa paggamit ng AI.

Kamakailan naman ay naglabas ang University of the Philippines ng draft ng 10 guiding principles para sa responsableng paggamit ng AI. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us