DOTr at Japan Int’l Cooperation Agency, nakatakdang maglunsad ng Philippine Railway Conference sa darating na Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapaigting pa ang pakikipag-partnership ng bansang Japan at Pilipinas pagdating sa sektor ng railway system ng ating bansa, nakatakdang magsagawa ang Department of Transportation (DOTr) at ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ng Philippine Railway Conference sa darating na Oktubre.

Ayon sa DOTr, layon ng naturang conference na mapag-usapan ang mga makabagong innovations ng JICA sa railways system sa kanilang bansa at maibahagi ito sa Pilipinas dahil isa ang naturang bansa na may technological advancement pagdating sa railway sector.

Magsisimula ang naturang conference sa October 25 2023 sa Marco Polo, Ortigas, Pasig City. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us