DILG, nakatutok na sa LGUs na patuloy na inuulan dahil sa habagat at bagyong Falcon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang sitwasyon ng mga lalawigang nakararanas pa rin ng malalakas na pag-ulan dahil sa pag-iral ng habagat na pinalalakas ng Severe Tropical Storm (STS) Falcon.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay nakikipagtulungan na ito sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa pag-mobilize ng assistance sa mga apektadong local government units (LGUs)

“Nakatutok po ang Pangulo sa sitwasyon. Hindi rin po tayo tumitigil sa pag-alalay sa mga LGUs at sa ating mga kababayan. Simula pa noong Super Typhoon Egay at ngayong si Falcon naman, hindi po bumibitaw ang ating PNP at BFP para tulungan ang mga LGUs,” ani Abalos.

Tiniyak din ng kalihim na nakalerto pa rin ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) para umalalay sa mga LGU sa kanilang disaster response, relief at recovery efforts.

Sa ngayon, tuloy-tuloy na ang pakikipag-ugnayan ng DILG sa gobernador ng mga apektadong rehiyon para maalalayan sa kanilang preemptive at response efforts lalo’t inaasahang magpapatuloy pa ang mga pag-ulan sa mga susunod na araw.

Hinikayat naman nito ang mga LGU na ipagpatuloy ang paglilikas sa mga apektadong residente at patuloy ring ipatupad ang no sailing policy para sa mga mangingisda at sea-faring vessels. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us