OVP, PCSO, lumagda ng MOA para mabigyan ng pondo ang medical assistance program na itinutulong sa taumbayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng isang Memoradum of Agreement ang Office of the Vice President at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para mabigyan ng karagdang pondo ang Medical Assistance Program ng OVP sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa naturang MOA ay mag-aaloka ang PCSO ng nasa ₱10-milyong piso sa OVP upang mas marami pang matulungan sa kanilang mga programa.

Ang grant na ito ay gagamitin ng OVP para sa mga serbisyong pangkalusugan na sasaklaw sa mga bayarin sa ospital, dialysis treatment, gamot, laboratory at diagnostic procedures, implants at assistive devices, chemotherapy, brachytherapy, radiation, physical, speech, occupational therapy, at iba pa.

Samantala, personal na tinanggap ni Vice President Sara Duterte ang cheke kasama ang ilang kawani ng PCSO.

Nagpasaamat naman si VP Sara sa PCSO sa pagtulong sa kanilang tanggapn upang mas makapaghatid pa ng tulong sa mga nangangailangan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us