Itinutulak ngayon sa Kamara na lalo pang palakasin ang NDRRMC sa pamamagitan ng pagdaragdag ng vice-chair ng konseho.
Sa ilalim ng House Bill 8350 na inihain nina House Speaker Martin Romualdez, Appropriations Chair Elizaldy Co at tatlong iba pa, pinasasama sa konseho bilang miyembro ang kalihim ng DPWH.
Magsisilbi itong vice-chairperson for infrastructure rehabilitation and repair.
Sa kasalukuyang composition ng NDRRMC na pinangungunahan ng Defense Secretary, ang mga ahensyang kabilang sa konseho ay may kaniya-kaniyang toka ng pagresponde, depende sa pangangailangan ngunit walang nakatutok sa imprastraktura.
Kabilang sa mga ahensyang kabahagi ng konseho at nagsisilbing vice-chairs ay ang DILG para sa disaster preparedness, DSWD para sa disaster response, DOST para sa disaster prevention and mitigation at NEDA para sa economic relief and recovery.
“It has been observed, however, that because of the immense destructiion sustained by various government infrastructures during these disasters, many of which damages suffer from state of disrepair, it becomes paramount taht another vice chairpersonship is created for the Infrastructure Rehabilitation and Repaire to be headed by the Secretary of the Department of Public Workd and Highways.” saad sa panukala.
Ipinunto ng mga mambabatas na dahil sa tuwing tatama ang kalamidad ay maraming imprastraktura gaya ng bahay, kalsada at tulay na nasisira.
Ngunit nagkakaroon ng kabagalan sa pagtugon dahil sa hindi kasama ang DPWH sa konseho. | ulat ni Kathleen Jean Forbes