European Union, magbibigay ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais magbigay ng tulong pinansyal ang European Union para sa kababayan nating biktima ng bagyong Egay sa bansa.

Nasa €500,000 Euros o nasa mahigit ₱30-million na halaga ng tulong ang European Union para sa mga biktima ng bagyong Egay sa Pilipinas at para masuportahan ang relief efforts ng bansa.

Ayon kay EU Commissioner for Crisis Management Janez Lenarčič nais nito ang mabilis at walang patid na suporta ng EU sa mamamayang Pilipino kasunod ng pananalasa ng bagyo na nagresulta ng matinding pinsala at pagkawala ng mga buhay.

Dagdag pa ni Lenarčič na layunin rin ng naturang pondo na makapagbigay ng life saving asssistance kabilang ang emergency shelter at shelter repair, malinis na tubig at sanitation para sa matinding sinalanta ng bagyo sa Regions 1 (Cagayan Valley), Region 2 (Ilocos Region), at Cordillera Administrative Region.

Kaugnay nito na nakakalat na ang kanilang humanitarian partners sa lugar na naapektuhan ng bagyo para i-assess ang pangangailangan ng mga lokal na residente. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us