Pinabubusisi ni Sendor Sherwin Gatchalian sa mataas na kapulungan ng Kongeso ang kahandaan ng pamahalaan laban sa El Niño phenomenon na posibleng magpatuloy hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.
Inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution 691 kasunod ng pagdedeklara ng PAGASA sa pagsisimula ng El Niño.
Paliwanag ng senador, ang pag-iral ng El Niño ay posibleng magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa posibilidad ng pagbaba ng produksyon ng pagkain.
Nariyan kasi aniya ang banta na magdulot ito ng tagtuyot at kukulangin ang suplay ng tubig dahil sa mababang lebel ng tubig sa dam, na lubhang makakaapekto sa produksyon ng mga magsasaka.
Maaari rin aniyang mapataas ng El Niño ang presyo ng kuryente sa Pilipinas.
Kaya naman binigyang diin ng mambabatas na mahalagang malaman ang kakayahan at plano ng mga ahensya ng gobyerno para malabanan ang epekto ng El Niño. | ulat ni Nimfa Asuncion