Septik tanks sa New Bilibid Prison, ipahuhukay upang tingnan kung may mga kabaon ding buto ng tao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ngayon ni Director General Gregorio Catapang ng New Bilibid Prison na ipahukay ang lahat ng septik tank upang malaman kung may mga nabaong mga buto ng tao.

Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Catapang, nais niyang alamin kung ginamit din bang tapunan ng bangkay ang mga septik tank sa loob ng Bilibid.

Ang hakbang na ito ng New Bilibid Prison ay para malaman kung inilibing din ba sa mga septik tank ang mga nawawala na preso.

Noong nakaraang linggo, nadiskubre ng NBP ang buto ng isang tao na itinapon sa septik tank sa naturang piitan.

Duda si Catapang, tila naging kalakaran na sa loob ng National Penitentiary ang pagtatapon ng bangkay sa mga septik tank upang pahirapan ang NBP sa paghahanap sa mga bilanggo na naiulat na nawawala. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us