Suporta para makabangon ang sektor ng agrikultura, pinanawagan ni Sen. Legarda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Loren Legrada ng suporta mula sa pamahalaan para matulungan ang sektor ng agrikultura na labis na napinsala ng bagyong #EgayPH.

Tinatayang aabot sa P1.9 billion ang halaga ng pinsala sa mga pananim at produktong pang agrikultura ng naturang bagyo sa Pilipinas.

Kabilang sa mga nasirang pananim ay ang mga palay, mais, high-value crops, at ang mga livestock, poultry at fisheries.

Binahagi ni Legarda na sa kanyang lalawigan sa Antique ay nasa P5.5 million ang nawalang rice crops dahil sa bagyong Egay.

Apela ngayon ng senadora, ang gagawing pagtugon sana ng pamahalaan ay dapat crop-specific, site-level at sustainable.

Dapat rin aniyang ang mga polisiya at programa ay climate-resilient para mabawasan ang mga masasayang na pananim at matiyak ang mas maayos na buhay para sa ating mga magsasaka at mangingisda.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us