CAAP, nagsagawa ng Supervisory Management Course para sa mga susunod na mamumuno ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng month-long Supervisory Management Course ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa mga civil aviation organization peresonnel na may hawak na first level supervisory functions, kabilang na ang hinuhubog para sa nasabing pwesto.

Ang mga lumahok sa nasabing kurso ay natuto sa mga paksa at kasanayang mahalaga sa supervisory management kabilang na ang written at oral communications, conflict and stress management, change and crisis management, public financial management, pati rin ang leadership credibility, at iba pa.

Hinimok ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo ang mga lumahok na harapin ang mga hamon nang may tapang, determinasyon, pagiging malikhain, at pagkakaroon ng open mindedness.

Ang nasabing kurso ay may layong makapagbigay ng kaalaman, kasanayan, at pag-uugali upang magampanan ang epektibong management skills sa anumang antas ng supervisory functions na makakatulong sa kanilang sarili at kanilang mga subordinates na maabot ang mga layunin ng ahensya at mga sarili nilang layunin.| ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us