Eat Bulaga, bumisita sa Albay para maghatid ng sayat at tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot ang saya at tulong ng Eat Bulaga sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon na labis ikinatuwa ng mga Albayano.

Sa segment ng Eat Bulaga na “G sa Gedli” kung saan host si Isko Moreno at Buboy Villar, binisita nito ang lungsod ng Tabaco City at nagbigay ng tulong sa ilang residente.

Sa panayam ng mga host kay Albay Governor Hon. Edcel Grex Lagman, labis ang pasasalamat ni Lagman sa show ng Eat Bulaga dahil umabot sa kanilang probinsya ang paghahatid ng saya at tulong.

Nagbigay ng tulong ang nasabing show at ang San Miguel Corporation sa San Antonio Evacuation Center sa Tabaco Albay. Layunin din na makapag-abot ng ayuda ang San Miguel Corporation sa 5, 780 na pamilya na ngayon ay naninirahan sa iba’t ibang evacuation center sa lalawigan ng Albay.| ulat ni Garry Carl Carillo| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us