Online delivery ng pagkain sa PDLs, papahintulutan na ng BuCor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapayagan na ng Bureau of Corrections o BuCor ang mga Person Deprived of Liberty na tumanggap ng food delivery online mula sa kanilang pamilya.

Ayon kay BuCor OIC-Deputy Director for Operations Angelina Bautista, maari nang magpadala ng pagkain thru online delivery ang pamilya ng PDL sa pamamagitan ng ‘E-dalaw’, kung saan ime-message ang PDL para kunin ito sa gate ng piitan.

Dagdag pa ni Bautista, idadaan pa rin sa mahigpit na inspeksyon ang mga pagkaing dadalhin ng delivery boy sa loob ng NBP upang maiwasan ang pagpupuslit ng anumang uri ng kontrabando o ibang bagay bukod sa pagkain. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us