Pagkakasabat ng ₱30-M halaga ng expired meat products sa Caloocan, pinuri ni Mayor Malapitan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Caloocan Mayor Along Malapitan sa mga ahensya ng pamahalaan na nakatuwang ng City Veterinary Department (CVD) sa pag-raid sa isang illegal storage facility sa lungsod na may lamang libu libong kilo ng mga expired meat products.

Sa joint operations na pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture (DA), at National Meat Inspection Service (NMIS), nasabat ang nasa ₱30-milyong halaga ng expired meat products na mula China at Germany sa illegal warehouse na matatagpuan sa Tuna Street, Kaunlaran Village.

Ininspeksyon din ni Caloocan Mayor Malapitan ang naturang pasilidad na lumalabas na walang kahit anong permit sa LGU.

“Maraming salamat po sa BOC, DA, NMIS, at CVD sa pagtulong sa atin na mapigilan ang mga nag-aangkat ng mga expired na produkto sa ating lungsod. Malaking bagay po ito para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga kababayan.”

Ayon sa alkalde, sa ganitong mga ilegal at posibleng kontaminadong karne, naapektuhan hindi lang ang kalusugan ng mga mamamayan kundi nagiging kakompetensya pa ito ng mga maliliit na negosyo sa mga palengke sa lungsod.

Agad namang inatasan ng alkalde ang CVD na maayos na madidispose ang mga expired na produkto upang hindi na ito mapakinabangan.

May direktiba rin ito sa City Assessors Office na alamin kung sino ang may-ari ng lote upang matunton kung sino ang nagrenta o nagmamay-ari ng mga container van. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us