DHSUD, magbibigay ng cash assistance sa mga sinalanta ni Bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbibigay ng cash assistance ang Department of Human Settlements and Urban Development sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa gitna ng panananlasa ni bagyong Egay.

Ipinag-utos na ni Secretary Acuzar ang pag-download ng pondo sa mga Regional Offices na apektado ng bagyo.

Ang DHSUD Central Office ay magbibigay ng P23 milyon para sa emergency assistance sa mga residente na ang mga bahay ay ‘totally damaged’.

Hanggang kahapon, nasa 1,954 residential structures ang napinsala ng bagyo, karamihan ay mula sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region.

Inatasan din ni Secretary Acuzar ang DHSUD attached agencies, partikular ang National Housing Authority (NHA) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na magsimulang magbigay ng tulong.

Ang National Housing Authority, ayon sa kalihim ay naglaan din ng P50 milyon mula sa kanilang emergency housing assistance program.

Sa ngayon ang DHSUD, sa pakikipagtulungan ng International Organization for Migration at USAID, ay namahagi na ng 1,086 shelter-grade tarpaulin, at 600 solar lamp. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us