Pagtatayo ng mga Super Health Center sa bansa, suportado ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ito ay bahagi ng adbokasiya ni Senate Committee on Health Chairman, Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na naglalayong mailapit ang serbisyo medikal para sa publiko.

Suportado ng Department of Health (DOH) ang pagtatayo ng mga Super Health Center sa bansa gayundin ang pagsusulong ng accessible healthcare para sa mga Pilipino.

Ito ang inihayag ni Health Sec. Teodoro Herbosa makaraang dumalo ito sa groundbreaking ceremony ng bagong Super Health Cener sa Maypajo, Caloocan City ngayong araw.

Ito ay bahagi ng adbokasiya ni Senate Committee on Health Chairman, Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na naglalayong mailapit ang serbisyo medikal para sa publiko

Binigyang diin pa ni Herbosa na ang pagtatayo ng mga Super Health Center ay naka-angkla rin sa marching order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang maiiwan sa paghahatid ng serbisyo medikal.

Sa pamamagitan aniya nito, aabot sa 80 hanggang 90 porsyento ng mga karamdaman ang matutugunan at makatutulong din upang mapaluwag ang mga ospital sa bansa.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us