Klase sa Caloocan at Malabon, suspendido dahil sa walang tigil na ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nag-anunsyo ng suspensyon sa klase ang pamahalaang lungsod ng Caloocan at ng Malabon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at baha sa magdamag.

Sa abiso ng Caloocan LGU, kanselado ang mga klase ngayong araw, August 3, 2023, sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong lungsod.

Ito ay batay pa rin sa rekomendasyon ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) bunsod ng mga pagbaha at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod ng Malabon dahil sa habagat, high tide, at pagbaha sa mga pangunahing kalsada.

As of 5am, ilang pangunahing kalsada sa Malabon ang nananatiling baha kabilang ang mga sumusunod:

  • Along Panghulo Road
    5 to 6 inches
  • Probex/MH.Del Pilar
    3 to 4 inches
  • Rodriguez/Tatawid
    5 to 6 inches
  • Maria Clara/Gov.Pascual
    subsided
  • Sitio 6/Gov.Pascual
    5 to 6 inches
  • F.Sevilla/MCM
    2 to 3 inches
  • Don Basilio Road / hulong duhat
    4 to 5 inches
  • M.Sioson / Dampalit
    5 to 6 inches
  • Rizal Ave/Gen. Luna
    3 to 4 inches
  • Rizal Ave./Sanciangco
    3 to 4 inches
  • CMU Pampano
    4 to 5 inches

Sa kabila nito ay passable pa naman sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga naturang kalsada at normal rin sa ngayon ang daloy ng trapiko.

Kaugnay nito ay patuloy namang pinaalaahanan ang publiko na maging alerto anumang oras at umantabay sa abiso ng mga awtoridad sa lagay ng panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us