Lebel ng tubig sa Marikina River, umakyat na sa ikalawang alarma

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanatiling nasa unang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong umaga.

Inakyat ang unang alarma pasado alas-5 ng umaga at ngayon ay umakyat na sa 15.9 meters ang lebel ng tubig ngayong umaga.

Point one meter na lamang at maaring umakyat na ito sa ikalawang alarma, kaya’t nakahanda na ang Marikina 161 sa pagbibigay ng hudyat para naman sa ikalawang alarma.

Sa ngayon ay lubog na sa tubig ang bahagi ng Riverbanks sa may bahagi ng rebulto ni Marikit.

Samantala, nakahanda na ang pamunuan ng Marikina 161 Rescue para sa paglilikas ng mga residenteng nasa low lying barangays sakaling magtuloy-tuloy ang pagtaas ng tubig. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us