Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) Mindanao Field Unit, ang isang most wanted na kidnapper sa Lanao Del Norte.
Kinilala ni AKG Director PBGen. Rodolfo Castil ang naaresto na si Fahad Makil Lumiguis alyas Fahad Lumiguis Alangca, Abdul Raffy at Alu, na kabilang sa top 10 most wanted sa rehiyon.
Naaresto si Lumiguis nitong August 1 sa Brgy. Basagad, Balo-i, Lanao del Norte sa bisa ng arrest warrant.
Narekober sa kanyang posesyon ang isang unit ng Colt cal .45, mga bala at mga magazine.
Ayon kay Castil, si Lumiguis ay supporter ng Daula Islamiyah (DI)- Maute Group at sangkot sa mga high-profile kidnapping sa rehiyon.
Nahaharap din ito sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa RA 10591 o Firearms and Ammunition Law. | ulat ni Leo Sarne
📷:AKG