Meralco, tinutugunan na ang insidente ng pagbagsak ng ilang poste sa Binondo, Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Meralco matapos na maiulat bandang 12:41 PM ang pagbagsak ng ilang poste sa Binondo, Manila.

Ayon sa inilibas na pahayag ng Meralco, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad at nagsasagawa ng imbestigasyon para matukoy ang naging sanhi ng insidente.

Batay sa inisyal na impormasyon, walang naapektuhan sa serbisyo ng kuryente at walang malubhang nasaktan.

Sa ngayon, inaasikaso na rin ng Meralco ang mga nadamay at naapektuhan ng insidente partikular na sa aspeto ng mga napinsalang ari-arian.

Humihingi naman ng pang-unawa at pasensya ang Meralco sa mga naabala ng naturang insidente. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us