Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagpapasinaya sa Center for Disaster Management sa Barangay Central Signal Village, na layong i-angat ang disaster at emergency response capability ng lungsod.
Ang nasabing limang palapag na gusali ay nagsisilbi bilang isang mahalagang hub para sa koordinasyon ng emergency efforts, kung saan tinitiyak ang mabilis at epektibong response sa mga oras ng kalamidad at sakuna.
Dinisenyo rin ang nasabing center upang ma-accommodate ang iba’t ibang mga critical function, kung saan matatagpuan rin sa gusali ang Taguig Open Weather & Environmental Reporting System, kasama ang iba pang mga tanggapan ng gobyerno. Nagsisilbi itong isang evacuation center para sa nangangailan na ilikas. Ayon sa alkalde, naglalaman rin ang gusali ng mga pasilidad, kagamitan, at mga sasakyan na magbibigay ng kagyat na pagresponse sa mga residente sakaling mayroong emergency, kalamidad, o sakuna. | ulat ni Gab Villegas