Ilang residente sa Caloocan, nabiyayaan ng negosyong bigasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 96 na residente ng Lungsod ng Caloocan ang nakatanggap ng negosyong bigasan packages ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa Caloocan LGU, bahagi ito ng Livelihood Distribution Program ng Public Employment Service Office (PESO), na layong bigyan ng kabuhayan ang mga vulnerable at kapus-palad na sektor, kabilang dito ang mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents, at returning overseas Filipino workers (OFWs).

Batid ani Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan, na hirap ang mga nabanggit na sektor na makapagsimula ng negosyo kaya malaking tulong ang nasabing bigasan upang makapasimula ng kanilang kabuhayan.

Hinikayat naman ng Caloocan LGU ang mga benepisyaryo na palaguin ang kanilang bigasan na susi sa paglago rin ng ekonomiya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us