Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang Barangay Labor Desk Job Fair bukas Sabado, August 5, na gaganapin sa Apelo Elementary School sa Malibay, Pasay City.
Ang nasabing job fair ay magsisimula mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Aabot sa kabuuang 1,774 na mga bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga aplikante sa nasabing job fair na lalahukan ng 12 kumpanya.
Ayon sa Pasay Public Employment Service Office, ilan sa mga trabahong iniaalok sa nasabing job fair ay bagger, cashier, store clerk, receptionist, warehouse man, store supervisor, service crew, full-time barista, CAD operator, driver, electrician, gardener, tubero, mason, karpintero, at marami pang iba.
Napaalala ang LGU na huwag kalimutang magdala ng maraming kopya ng resume, ballpen at magsuot ng angkop na kasuotan. | ulat ni Gab Villegas