DOLE 10 at Lanao del Norte LGU, namahagi ng P800-K halaga sa TUPAD program beneficiaries

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ang dalawang daan at labing-limang (215) benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) program sa Lanao del Norte ng mahigit Walongdaang Libong Pisong (PHp 800,000) halaga ng community-based assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Lanao Del Norte Field Office ng Region 10.

Ito ay sa inisyatiba ni Lanao del Norte Governor Imelda Quibranza-Dimaporo na nanguna sa pamamahagi ng nasabing ayuda kasama ang Public Employment Service Office (PESO)-Lanao del Norte at DOLE 10.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Iligan kay DOLE 10 Provincial Director Atty. Safrali Cabili, sinabi niya na nakatanggap ng Apat na Libo at Limampung Piso (₱4,050.00) ang bawat benepisyaryo sa loob ng sampung (10) araw nilang pagtatrabaho base sa daily minimum wage ng probinsya na Apat na raan at Limang Piso (₱405.00).

Nagpasalamat naman si Sainodin Lombay, isa sa benepisyaryo ng TUPAD program mula sa bayan ng Sapad, sa natanggap na tulong mula sa gobyerno dahil may ipapambili na siya ng kagamitang pang-eskwela para sa kaniyang mga anak.

Layunin ng TUPAD program ang bigyang pansamantalang trabaho ang mga displaced, seasonal, underemployed, unemployed, at taong apektado ng iba’t-ibang uri ng sakuna.| ulat ni Sharif Timhar H. Habib Majid| RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us