Tumaas ang presyo ng ilang school supplies na ibinebenta dito sa Commonwealth Market, Quezon City, ilang linggo bago ang pasukan.
Ayon kay Mang Alex, nagtitinda ng mga gamit pang-eskwela, malaki ang itinaas ng presyo ng notebook ngayon dahil sa mataas ang puhunan rin nito.
Kung dati raw ay may mabibili pang ₱12 hanggang ₱15 na kada piraso ng notebook, ngayon ay umaabot na ito sa ₱22 hanggang ₱25 kada piraso, at ₱230 per bundle.
Tumaas rin ang presyo ng Crayola lalo na ang branded na ₱100 ang kada pack.
Narito pa ang presyo ng ilang school supplies sa Commonwealth Market:
Lapis – ₱12 kada piraso
Pencil case – ₱50 kada piraso
Ballpen – ₱10 kada piraso, ₱25 kada pack (apat na piraso)
Long pad – ₱45
Bag – ₱250 – ₱450 depende sa laki at disenyo
Payong – ₱120-₱150 depende sa laki at disenyo
Sinabi ni Mang Alex na pwede pa namang humirit ng tawad ang mga magulang basta maraming bibilhin.
Maaga naman na itong nagbubukas ng tindahan dahil inaasahang mas marami na ang mamimili bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa August 29. | ulat ni Merry Ann Bastasa