Pamamahagi ng cash assistance sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo, sinimulan na ng DHSUD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng Department of Human Settlements and Urban Development sa mga pamilyang nawalan ng bahay dulot ni bagyong Egay.

Unang pinagkalooban ng tulong pinansiyal ang mahigit 30 pamilya sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Pinangunahan ni DHSUD-Regional Office 1 Director Richard Venancio Fernando Ziga, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa pakikipagtulungan ng provincial government ng Ilocos Norte at Pagudpud LGU.

Nauna nang ipinag-utos ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagpapalabas ng P23 milyon bilang emergency assistance sa mga residenteng nawalan ng bahay dahil sa pananalasa ng bagyo.

Halos 2,000 residential structures ang nasira ng bagyo na karamihan ay mula sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region. | ulat ni Rey Ferrer

📷: DHSUD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us