PNP, walang namo-monitor na banta sa seguridad kasabay ng pagdaraos ng FIBA World Cup sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang maayos na latag ng seguridad para sa pag-host ng Pilipinas sa prestihiyosong FIBA World Cup, mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, sapat naman ang mga ipakakalat na tauhan ng iba’t ibang Police Regional at Provincial Offices sa buong bansa partikular na sa mga lugar na gagawing venue ng mga palaro.

Siniguro rin ng PNP, ang maayos na pagbabantay ng kanilang mga tauhan sa mga billeting areas o lugar tulad ng hotels kung saan manunuluyan pansamantala ang mga manlalaro.

Nakikipag-ugnayan din ang PNP sa AFP bilang standard operating procedure (SOP), upang maiwasan ang mga naitalang insidente sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Fajardo, kumikilos ang buong pamahalaan sa pagtitiyak na ligtas na maidaraos ang FIBA World Cup kung saan lalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us