Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mga lumilikha ng takot at kaguluhan sa publiko dahil sa prank video, na pananagutan nila ang kanilang mga ginawa.
Ang babala ay ginawa ng PNP chief matapos arestuhin ng Las Piñas City Police Station ang tatlong sikat na vlogger na kilala bilang “Tukomi brothers” dahil sa kontrobersyal na kidnapping prank na nag-viral.
Kinilala ng PNP ang tatlong inaresto na sina Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael, at Eleazar Steven Fuentes.
Ang mga akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Art. 513 ng Revised Penal Code o Alarm and Scandal dahil sa insidenteng kinasangkutan ng mga ito noong April 6, 2023.
Matatandaang nagsagawa ng kidnapping prank ang tatlong popular na You-tuber na hindi natuloy matapos masaksihan ng isang pulis at muntik nang tumuloy sa enkwentro. | ulat ni Leo Sarne
📸: PNP-PIO