Tiniyak ng bagong-upong Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido na palaging tutugunan ng organisasyon ang kapakanan ng mga sundalo.
Ito ang inihayag ni Lieutenant General Galido matapos pormal na isalin sa kanya ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pamunan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa Change of Command Ceremony kahapon sa Fort Bonifacio na pinangunahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Galido na tututukan niya ang pagtatatag ng disiplina bilang pundasyon ng pagtitiwala sa Philippine Army.
Kasabay ito ng pag-recalibrate ng internal security operations, pagpapalakas ng organisasyon para sa territorial defense, at pag-reevaluate ng mga sistema na magbibigay ng kakayahan sa mga sundalo na maging produktibong miymebro ng lipunan habang nasa militar at pagkatapos ng serbisyo.
Tiniyak din ng heneral ang masusing paggamit ng financial assets, logistics, manpower, at oras ng Army. | ulat ni Leo Sarne
📸: SSg. Cesar Lopez and Cpl. Rodgen Quirante, OACPA