Aabot sa 30 residente ang maaari nang makapagsimula ng kanilang sariling negosyo matapos makatanggap ng ₱10,000 na pautang mula sa Pamahalaang Lungsod matapos magtapos sa livelihood programs ng Parañaque Livelihood Resource Management Office.
Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, maaaring bayaran ng mga benepisyaryo ang nasabing utang sa loob ng isang taon.
Sinabi rin ng alkalde na maaari silang makautang ng mas malaki na nagkakahalaga ng ₱15,000 kung sila ay nakakapagbayad sa tamang oras.
Ang nasabing programa ay bahagi ng Tulong Pangkabuhayan na layong hikayatin ang mga residente na magkaroon ng hanapbuhay. | ulat ni Gab Villegas