Kaliwa’t kanan na ang ginagawang pagsasanay ng Department of Social Welfare and Development para sa mga college student na magiging bahagi ng Tara, Basa! tutoring program.
Ayon sa DSWD, kamakailan lang ay may karagdagang 370 college student-beneficiaries ang isinailalim na sa training sa pakikipagtulungan sa Ateneo Center for Educational Development (ACED).
Sa ilalim ng Tara, Basa! tutoring program, makakatanggap ng P500 kada araw sa mapipiling college students sa loob ng 20 araw kapalit ng pagiging tutor sa mga batang nahihirapang magbasa o youth development worker na magsasanay sa mga magulang na maging Nanay-Tatay tutor sa kanilang mga anak sa bahay.
Dito sa NCR, tinatarget ng DSWD na makapag-hire ng 5,045 student-tutors at 563 Youth Development Workers (YDWs) mula sa 20 State and Local Universities and Colleges (SLUC) sa NCR. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD